Pagtakbo ni Pangulong Duterte sa 2022 election, hindi pa tiyak ayon kay CabSec Nograles

Wala pang tiyak na desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte para sa plano nitong pagtakbo sa 2022 elections.

Kasunod ito ng inilabas na pahayag ng pangulo na maituturing na ‘good idea’ ang pagtakbo nito bilang bise-presidente na posibleng magbago kung magdedesisyong tumakbo bilang pagkabise-presidente si House Majority Leader Martin Romualdez.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na siyang miyembro rin ng Partido Demokratiko Lakas ng Bayan (PDP-Laban), para sa kanila ay wala pa talagang tiyak na desisyon ang pangulo.


Pero tiniyak naman ni Nograles at ng PDP-Laban ang patuloy na suporta at respeto rito anuman ang magiging desisyon ng pangulo.

Sa ngayon, wala pang sinumang public official ang nagpahayag ng kagustuhang tumakbo sa pagka-presidente o bise-presidente.

Mayroong hanggang Oktubre 2021 ang mga ito upang magdesisyon kung maghahain ng pagkandidatura para sa 2022 elections.

Facebook Comments