Kinuwestyon ng grupong Task Force Kasanag sa tanggapan ng Ombudsman ang ginawang reappointment ni Ronald Adamat bilang commissioner ng Commission on Higher Education, o CHED, sa kabila ng sa katerbang kaso umano ang kinakaharap nito.
Si Adamat ay nagsimula ng chairmanship of the boards of regents sa maraming mga paaralan sa ilalim ng CHED memorandum dated 9 January 2024.
Ang naturang mga paaralan ay kinabibilangan ng Josefina H. Cerilles State College, Jose Rizal Memorial State University, Bukidnon State University, Northern Bukidnon State College, Northwestern Mindanao State College of Science and Technology at ang Northeastern Mindanao State University.
Pinalitan ni Adamat sa naturang positions si Jo Mark Libre matapos na masibak ito bilang CHED commissioner.
Sa kanyang sulat sa tanggapan ng Ombusman sinabi ni TFK chairperson John Chiong “As you may be aware, Commissioner Adamat is facing numerous charges as well. In 2022, Commissioner Adamat was found administratively liable by the Office of the President for grave misconduct, causing undue injury under the Anti-Graft and Corrupt Practices Act, and conduct prejudicial to the best interest of the service,”.
Idinagdag pa ni Chiong na iginiit na ang naturang desisyon ay dokumentado sa comprehensibong 10-pahina na decision ni former Executive Secretary Salvador Medialdea, na nagsampa ng kaso at nakabinbin pa ngayon sa tanggapan ng Ombudsman.
“The reappointment of an individual previously found culpable of grave misconduct not only jeopardizes the interests of the service mandated by law but also undermines the trust and confidence vested in the Commission on Higher Education by the Filipino people,” dagdag pa ni Chiong.
Naniniwala ang TFK na dapat ng masibak si Adamat upang maipreserba naman ang integridad ng CHED.