𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗧𝗔𝗪𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang sesenta y tres anyos na ginang matapos itong mabangga ng motor habang tumatawid sa kalsada sa San Carlos City.

Ang biktima ay nakilalang si Perla Ventura habang ang driver ng motor ay nakilalang si Carlito Bulatao mga residente ng Barangay Tandoc sa nasabing lungsod

Naganap ang aksidente pasado alas siyete ng umaga kung saan ay aksidenteng nabangga ng motor ni Bulatao ang tumatawid na biktima dahilan upang magtamo ito ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad naman itong isinugod sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival habang nasa mabuti naman ng kalagayan si Bulatao. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments