Manila, Philippines – Ipinilit pa rin ng Philippine National Police na maiupo bilang Officer In Charge ng Iloilo City Police Office si Police Chief Insp. Jovie Espenido.
Ito ay kahit na hindi kwalipikado ang ranggo ng opisyal para maiupo sa pwesto.
Paliwanag ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa, na ‘in every rule there’s an exemption’ lalo’t kung ito ang utos ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Pero hanggat hindi napo-promote bilang senior superintendent ang ranggong kwalipikado para maging full time capacity director si Espenido ay mananatili siyang Officer-In-Charge.
Sa ngayon ay inutos na ni PNP chief sa Directorate for Personnel and Record Management o DPRM ang pag-review sa service record ni Espenido para ma-promote ito sa ranggong superintendent.
Kung siya naman ng tatanungin, ayaw nuyang mailipat sa Iloilo City PNP si Espenido matapos na humiling mismo ng mga residente ng Ozamiz na manatili si Espenido sa kanilang lungsod.