Pagtalaga ng Anti-Terrorism Council sa ilang indibidwal, suportado ng PNP; crackdown vs terrorist group, ipinag-utos ng PNP Chief

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., sa lahat ng unit commanders ang mas pinaigting na kampanya laban sa terorismo.

Ito ay kasunod ng pagtatalaga ng Anti-Terrorism Council (ATC) sa ilang mga indibidwal bilang terorista kabilang na si suspended Negros Oriental 3rd District Representative Cong. Arnolfo Teves Jr.

Ayon kay Gen. Azurin, mas mapapapalakas at mabibigyan ng ngipin ang pambansang pulisya para tuldukan ang paghahasik ng krimen na dala ng Terorismo.


Suportado aniya ng PNP ang hakbang na ito ng ATC.

Bilang active member ng ATC, makikipagtulungan ang PNP sa iba pang ahensya para masiguro ang kaligtasan ng publiko.

Facebook Comments