Pinasalamatan ni Manila 3rd District Representative Joel Chua ang Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP sa pagtaas sa estado ng Quiapo Church bilang national shrine.
Sang-ayon si Chua sa naturang pagkilala sa Quiapo Church na aniya’y sentro ng pananampalataya at pilgrimage site din ng mga deboto ng Itim na Nazareno sa buong bansa.
Para kay Chua, ang naturang hakbang ng CBCP ay nagpapakita na dapat ng maipasa sa lalong madaling panahon ang House Bill 3750 o panukalang batas na nakabinbin sa Kamara.
Ayon kay Chua, layunin ng panukala na ideklara ang buong Quiapo District bilang national heritage zone upang mabigyan ito ng pondo at iba pang resources mula sa national government.
Sabi ni Chua, ito ay para sa pagpapaunlad ng turismo at imprastraktura at pagsasaayos o preservation ng mga historical structures sa distrito ng Quiapo.