Lebel ng tubig sa mga pangunahing dam sa Luzon, patuloy ang pagbaba – ayon sa PAGASA Hydrology Division

Patuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig sa mga pangunahing dam sa Luzon nitong umaga.

Batay sa datos ng PAGASA Hydrology Division, sumadsad na 178.80 meters ang water level sa Angat dam.

Habang malaki rin ang ibinaba ng lebel ng tubig sa mga dam ng Ambuklao, Binga at Magat.


Bumaba rin nang bahagya ang water level sa Ipo dam, La Mesa Dam, San Roque Dam, Pantabangan Dam at Caliraya.

Kaugnay nito, lumalabas din sa datos na lahat ng mga nabanggit na dam ay mas mababa na sa kanilang operating level.

Facebook Comments