Isinagawa ang pagtalakay sa usaping pagsugpo ng droga sa lalawigan ng Pangasinan kung saan pinangunahan ng bise gobernador ng Pangasinan ang Joint Provincial Peace and Order Council (PPOC) and Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) 1st Quarter Meeting ngayong buwan ng Marso.
Mahalagang tinalakay ang Peace and Order Situation, Drug Clearing Activities, Draft Resolution on Revitalized PNP Kasimbayanan at BIDA Program na patuloy na isinasagawa sa lalawigan.
Base sa naging report ni Director Richie Camacho, ang PDEA Provincial Director, nananatili umanong epektibo ang isinasagawang mga anti-illegal drugs campaign sa lalawigan kung saan aniya mula noong buwan ng Enero ay mayroon na umanong pitong (7) positibong operasyon kung saan nasa higit animnaraan P600,000 ang halaga ng suspected shabu ang nakumpiska.
Samantala, sa naging pagtalakay ay nakiisa ang mga kawani ng DILG Pangasinan, Office of the PADAC Secretariat, Provincial Police Office (PPPO) at Provincial Legal Officer.
Dumalo naman sa pamamagitan ng zoom ang iba’t ibat kawani ng LGU at ahensya sa lalawigan. |ifmnews
Facebook Comments