Pagtalakay sa COVID-19 at tricycle ban, gagawing prayoridad sa barangay assembly ngayong buwan – DILG

Hinimok ni Interior Secretary Eduardo Año ang publiko na dumalo sa barangay assembly sa kanilang lugar ngayong buwan ng Marso.

Pag-uusapan kasi sa pulong ang mga precautionary measures ng pamahalaan laban sa COVID-19 pati na ang tricycle ban sa mga national road.

Sinabi ni Año, oportunidad umano ito ng publiko para imulat ang kanilang kamalayan sa usapin lalo na sa COVID-19.


Ipapaunawa rin  sa mga residente ang ipinapatupad na ban sa mga tricycle sa mga pangunahing lansangan para  sa kaligtasan ng mga drayber at  mga pasahero.

Hinimok ng DILG chief ang publiko na ilabas ang kanilang saloobin sa mga isyu na nakaapekto sa komunidad tulad ng social services; peace and order, public safety; disaster risk reduction management; environmental management; economic development, at iba pa.

Taunang ginagawa ang Barangay Assembly tuwing Sabado at Linggo ng Marso at Oktubre alinsunod sa Local Government Code.

Facebook Comments