Pagtalakay sa martial law extension sa Sabado, pinabubusising mabuti sa mga mambabatas

Manila, Philippines – Hinimok ng ilang mga miyembro ng Magnificent 7 ang mga kasamahang mambabatas na talakaying mabuti ang hiling na martial law extension sa Mindanao.

Ito ay kasunod ng pagpapatawag ng Pangulong Duterte ng special session ng Kongreso sa Sabado, July 22, para magconvene ang dalawang kapulungan at talakayin ang pagpapalawig ng batas militar sa rehiyon.

Pakiusap ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat, huwag naman sanang ipilit sa lehislatibo na ipasa agad ang martial law extension.


Humihingi ang mga mambabatas mula sa oposisyon ng report mula sa Malacañang at sa AFP tungkol sa sitwasyon sa Marawi at sa buong Mindanao bago nila ikunsidera ang planong pagpapalawig sa martial law.

Para naman kay Caloocan Rep. Edgar Erice, kailangang mapatunayan na nakatulong ang martial law sa Mindanao at depende pa rin sa report na isusumite sa Kamara ang suporta ng mga mambabatas dito.

Sakali namang may basehan ay handa ang mga mambabatas na sumuporta sa martial law pero limitado lamang sa Marawi o sa lalawigan ng Lanao at ipapatupad na hindi hihigit sa 60 araw.

Facebook Comments