Tinututukan ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan katuwang ang Municipal Health Office (MHO) ang mga residente sa bayan ukol sa striktong pagsunod sa mga minimum health protocols kaugnay na pagpalong muli ng kaso ng COVID-19 sa bayan.
Muling ipinaalala ang pagsusuot ng face mask, maging ang madalas na pag sanitize at paghuhugas ng kamay bunsod ng tumaas na COVID-19 case ngayong buwan ng Mayo.
Hinikayat din ang lahat na mag avail ng booster shot ng COVID-19 vaccine na isang katulungan ng katawan laban sa nasabing virus.
Samantala, as of May 6, 2023, nasa walo ang active cases sa Mangaldan kung saan anim dito ay bagong kaso habang meron namang tatlo ang sa ilalim na ng recoveries at patuloy na binabantayan ang sitwasyong ito ng otoridad. |ifmnews
Facebook Comments