Pagtama ng magkakasunod na lindol, dapat maging “wake up call”

Dapat na maging “wake up call” ang sunod-sunod na pagtama ng lindol sa bansa para tiyaking matibay ang mga itatayong gusali at imprastruktura.

Sa interview ng RMN Manila sinabi ni architect Jun Palafox na mahalagang magkaroon ng structural audit matapos ang sakuna.

Kabilang dito ang pagsuri sa kondisyon ng gusali, pagkuha ng sample ng mga ginamit na semento at bakal gayundin ang electrical set-up dahil sa posibilidad na magkaroon ng sunog pagkatapos ng lindol.


Inirekomenda rin ni Palafox na markahan ang lahat ng mga gusali at kabahayang nasa ibabaw ng mga fault line na pinakadelikado oras na tumama ang sinasabing “The Big One”.

Facebook Comments