Manila, Philippines – Nahulicam ang pagtangay ng flat screen TV mula sa isang bahay sa Barangay Old Balara, Quezon City.
Sa kuha ng CCTV, makikita ang lalaking kinilalang si Jonathan Cañeba na palinga-linga habang naglalakad sa kalye.
Lumapit ang lalaki sa isang bahay at tila may kinausap bago magtungo sa isang compound.
Maya-maya, lumabas sa kalsada ang kausap ng suspek na nagsilbing lookout habang si Cañeba ay pumasok sa target na katapat na compound.
Ayon kay Brgy. Old Balara Chairman Allan Franza – ilang sandali, lumabas ang suspek bitbit ang flat screen TV na nagkakahalaga ng mahigit 30-libong piso.
Patuloy ang pagtugis sa suspek at kasabwat nito na nahaharap sa kasong theft.
Nation
Facebook Comments