Manila, Philippines – Itinuturing ng National Union Journalist of the Philippines (NUJP) na madilim na bahagi ng kasaysayan ng Philippine journalism ang desisyon ng isang online news outfit na tanggalin ang mga istorya at artikulo tungkol sa Pepsi Paloma rape case.
Hindi na ma-access ang mga istorya ng inquirer.net tungkol kay Pepsi Paloma, isang 1980’s actress na inakusahan sina Vic Sotto, Joey De Leon at Ritche D’ Horsey ng pag-rape sa kanya noong siya ay menor de edad.
Ayon kay NUJP, ikinalulungkot nila ang ginawa ng Inquirer na nagsilbing tagapagtaguyod ng freedom of the press.
Hinimok ng NUJP ang mga Filipino journalist na maging matatag at matibay sa gitna ng mga hadlang na gampanan ang responsibilidad bilang watchdog laban sa government abuses.
Matatandaang nakiusap si Senate President Tito Sotto sa online outfit na alisin ang mga artikulo kasabay ng pagtanggi nito na ginamit niya ang kanyang political influence para impluwensyahan ang desisyon ng korte hinggil sa kaso ni Paloma.