Inirekomenda ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda na ibaba sa zero o alisin ang taripa sa farm inputs tulad ng equipment, fertilizers at farm machineries sa loob ng 18 buwan.
Kasabay nito ay iginiit naman ni Salceda na taasan ng 5% na taripa ang imported agricultural products mula sa non-trade partners ng bansa basta’t hindi lalagpas sa kanilang bound rates.
Mungkahi ito ni Salceda na inilahad sa naging pulong niya kasama si Finance Sec. Benjamin Diokno.
Layunin ng suhestyon ni Salceda na matulungan ang ating mga magsasaka at matugunan ang hamon na kinahaharap ng domestic agri-sector.
Diin ni Salceda, ibababa nito ang gastos sa trade inputs habang makakakuha naman sila ng suporta mula sa mas mataas na tariff revenues.
Facebook Comments