321 Pinoy, namamatay kada araw dahil sa paninigarilyo

142

Nasa 321 na mga Pilipino ang nasasawi kada araw dahil sa paninigarilyo.

Ito ay inihayag ng World Health Organization (WHO) kasabay ng pagdiriwang ng National Lung Month ngayong Agosto.

Ayon sa WHO, mahigit walong milyong katao na sa mundo ang namamatay dahil sa paninigarilyo o paggamit ng tobacco products.


Kasunod nito, iginiit ng mga health expert na dapat mas lalong higpitan ang pagbebenta ng mga sigarilyo at e-cigarette o vapes sa bansa.

Ilan din sa mga naging mungkahi na palawakin ang smoke-free at vape-free environment sa bawat lugar, muling pagpataw ng buwis sa mga nasabing produkto, pagtanggal sa flavors ng vape products at taasan ang edad ng pinapayagang gumamit nito.

Facebook Comments