Binatikos ni Senator Nancy Binay ang pagtanggal ng Department of Health (DOH) sa pondong nakalaan sa National Cancer Control Program sa ilalim ng 2022 national budget.
Ngayong taon ay P620 million ang nakalaan para dito kung saan ang P500 million ay para sa Cancer Control Program fund at ang P120 million naman ay para sa Cancer Assistance fund.
Tinukoy ni Binay na base sa World Health Organization’s Global Cancer Observatory, mahigit 153,000 ang bagong kaso ng cancer ang naitala sa Pilipinas noong 2020.
Diin pa ni Binay, kanser din ang ikalawang dahilan ng kamatayan ng mga pilipino kung saan umaabot sa 62,300 ang namamatay rito kada tao.
Kaya naman hindi katanggap-tanggap para kay Binay na tila hindi permanenteng prayoridad ng DOH ang suporta para sa mga cancer patient natin.
Dahil dito ay nangako si Binay na maghahain siya ng amendments para maibalik ang pondo para sa cancer ng DOH sa ilalim ng panukalang 2022 budget.