Pagtanggal sa graduation ceremony sa kindergarten, grade 6 at jr high school, ikinalungkot

Manila, Philippines – Lubos na ikinalungkot ng mga magulang at mag-aaral ang pagtanggal sa graduation ceremony para sa kindergarten, grade 6 at junior high school.

Sa pagtatanong ng DZXL 558 RMN sa lungsod ng Maynila.

Marami ang tutol sa DepEd Order 002 Series of 2019 kung saan tanging senior high school lang ang may graduation ceremony at moving up na lamang sa iba.


Ayon sa mga magulang, walang katumbas na kaligayahan kapag nakitang umaakyat na ng entablado ang kanilang mga anak kasabay ng musika habang nakasuot ng graduation toga.

Sa katunayan, umuuwi pa anila mula sa malayong lugar ang ilan sa mga magulang tulad ng OFW at kamag anak para masaksihan ang pagtatapos ng estudyante.

Sa pagtatapos ng mga mag-aaral, mararamdaman ang pagmamahal, pagsusumikap, saya, lungkot at pagsubok na nalagpasan kung saan ito ay kay sarap balik-balikan habang tayo ay nabubuhay.

Facebook Comments