Pagtanggal sa GSIS at SSS sa panukalang Maharlika Wealth Fund, paunang tagumpay ng mamamayan

Para kay House Deputy Minority Leader and ACT Teachers Party-List Rep. France Castro, maituturing na paunang tagumpay ng mamamayan ang pagtanggal sa Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) sa panukalang paglikha ng Maharlika Wealth Fund (MWF).

Sabi ni Castro, mainam itong hakbang upang hindi malagay sa peligro ang pension ng taumbayan.

Gayunpaman ay iginiit pa rin ni Castro sa publiko na maging mapagmatyag.


Sabi ni Castro, ito ay dahil nananatili pa rin sa panukala na ilagak sa MWF ang salapi mula sa kaban ng bayan na galing sa taxpayers.

Bunsod nito ay nangako ang Makabayan Bloc na patuloy nilang bubusisiing mabuti ang panukala na para sa kanila ay hindi napapanahon.

Giit ni Castro, kung itutuloy ang paglikha ng MWF ay dapat itong pondohan ng wealth tax o buwis mula sa mga mayayaman at hindi paera na pinaghirapan ng pangkaraniwang mamamayan.

Facebook Comments