Barangay councilor, arestado ng CIDG dahil sa illegal possession of firearms

Natimbog ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang barangay councilor sa Brgy Sta. Ana, San Pablo City, Laguna dahil sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Kinilala ni CIDG Director Police Brig. General Ronald Lee ang suspek na si Henry Agonia Buenaflor na inaresto mismo sa kanyang tahanan.

Ito’y matapos siyang silbihan ng search warrant ng mga tauhan ng CIDG Laguna Provincial Field Unit kasama ang lokal na pulisya.


Narekober sa kanyang posesyon ang isang armscor cal. 40 pistol, iba’t ibang mga bala at magasin.

Nasa kustodiya na ngayon si Buenaflor ng CIDG Laguna habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa laban dito.

Facebook Comments