Iimbestigahan ng Dept. of Interior and Local Government (DILG) ang pagpapatanggal ni Outgoing Cebu Mayor Tomas Osmeña sa kisame, tiles, at iba pang gamit sa iniwan niyang opisina.
Matatandaang natalo si Osmeña sa eleksyon laban sa dating Bise Alkalde na si Edgardo Labella.
Ayon kay DILG Usec. Epimaco Densing, mga personal na gamit lamang ang mga dapat ipinapatanggal ng isang opisyal.
Ipinunto rin ni Densing na pagmamay-ari ng gobyerno ang opisina.
Para naman sa mga ginastos nito ay sana naghain na lamang ito ng Claim for Indemnification para mareimburse ang mga ginastos niya para rito.
Dismayado ang kampo ni Labella at iimbestigahan nila ito para sa posibilidad na kasuhan si Osmeña.
Depensa ni Osmeña, wala siyang nilabag na batas dahil siya ang gumastos sa pagpapagawa ng opisina.
Handa naman si Osmeña na harapin ang anumang ikaso laban sa kanya.