Magsasaka, Arestado sa Kasong Tangkang Pagpatay!

*San Isidro, Isabela- *Arestado ang isang magsasaka dahil sa kasong A ttempted Murder pasado alas 12:00 ng tanghali kahapon sa Brgy. Gomez, San Isidro, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Loreto Corpuz, Jr., 40 anyos, may asawa, at residente ng Brgy. Gomez, San Isidro.

Nadakip ng mga tauhan ng San Isidro Police Station si Corpuz sa pangunguna ng hepe na si P/Capt. Joel B. Bumanglag sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinilabas ni hukom Anastacio D Anghad ng RTC Branch 36 sa Santiago City.


Sa ngayon ay nakakulong na sa himpilan ng pulisya ang suspek matapos sumailalim sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments