Tinutulan ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang panukala na magtatanggal sa compulsory retirement age na 65.
Ayon kay ECOP President Sergio Ortiz-Luis, maaari namang bigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho pa ang mga senior citizen na hindi na dapat pang gumawa ng batas hinggil dito.
Dapat aniya ay maging optional lamang kung papanatalihin pa o hindi ang mga empleyadong tumungtong na sa retirement age.
Paliwanag kasi ni Ortiz-Luis na maaaring magkaroon ng negatibong implikasyon ang naturang panukala, lalo sa mga foreign investor at posibleng makompromiso ang productivity ng isang kumpanya.
Facebook Comments