Ipinagbawal ng Bureau of Correction (BuCor) ang pagtanggap ng bisita sa pitong penal colony sa bansa.
Ayon kay BuCor Director General Nicanor Faeldon, ito ay dahil sa patuloy na pagpasok ng mga kontrabando sa mga kulungan lalo na sa New Bilibid Prison (NBP).
Maliban sa pagbawal sa mga bisita, ipinagbabawal na rin ang mga recreation activity gaya ng paglalaro ng basketball.
Mababatid na Miyerkules hanggang araw ng Linggo ang pagtanggap ng dalaw sa mga piitan sa bansa.
Facebook Comments