Pagtanggap ng Bisita sa mga Boarding Houses, Isusulong na Ipagbagwal-POPCOM Region 2

*Cauayan City, Isabela*- Isusulong ng Commission on Population (POPCOM-RO2) ang ilang hakbangin para maiwasan ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan kasabay ng pagtaas ng bilang na nabubuntis sa edad 10 hanggang 14 sa bansa.

Ayon kay POPCOM-RO2 Regional Director Herita Macarubbo, makikipag ugnayan ang kanyang tanggapan sa mga local executive na magpasa ng isang ordinansa na nagbabawal sa mga mag aaral na tumanggap ng bisita sa mga boarding houses/ dormitory upang maiwasan ang sexual contact.

Sinabi pa nito kinakailangan ng simulan ang regualtion operation sa mga ito para matiyak na hindi lalong tataas ang bilang ng teenage pregnancy.


Paliwanag pa nito na kinakailangan din na tiyakin na may ugnayan ang may-ari ng mga dormitory sa mga magulang ng mag aaral para sa mabilis na aksyon ukol dito.

Samantala, hihilingin din sa mga miyembro ng Sangguniang Kabataan sa buong rehiyon na maglaan ng proyekto para sa mga kabataan na angkop para maiwasan ang maagang pagbubuntis maliban sa palagiang paliga ng basketball.

Facebook Comments