Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na isinara na na nila ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa COVID-19 Adjustment Measure Program (CAMP 3).
Sa ilalim ng programa, makakatangap ng P5,000 ang bawat manggagawa sa pribadong sektor na apektado ng implementasyon noong Alert Level 3.
Pero sa isang pahayag, sinabi ng DOLE na inihinto na ang pagtanggap ng online applications para sa CAMP 3.
Sa kabila nito, tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kung sakaling magdeklara muli ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng Alert Level 3, bubuksan at sisimulan ulit ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa CAMP 3.
Siniguro rin ng kalihim na ang lahat ng mga aplikasyon na natanggap ng DOLE bago magsara ang aplikasyon ay ipo-proseso at isasalang sa evaluation alin sunod na rin sa Labor Advisory No. 06 Series of 2022.
Maaari namang i-track ng mga aplikante ang kanilang ipinasang aplikasyon sa website ng DOLE o kaya’y sa kanilang social media page.
Sa huling datos noong March 6, halos 30,000 na aplikasyon para sa CAMP 3 ang inaprubahan ng DOLE.