13 Bayan sa Cagayan, Wala nang COVID-19 Active Cases

Cauayan City, Isabela-Labintatlong (13) bayan sa lalawigan ng Cagayan ang COVID-19 Free batay sa pinakahuling pagtaya ng Provincial Health Office, kahapon Marso 13,2022.

Kinabibilangan ito ng mga bayan ng Alcala, Amulung, Buguey, Calayan, Camalaniugan, Lal-lo, PeΓ±ablanca, Piat, Rizal, Sanchez Mira, Solana, Sta. Praxedes, at Tuao.

Sa kasalukuyan, nasa dalawampu’t pito (27) na lamanga ng aktibong kaso sa lalawigan makaraang makarekober ang anim (6) na indibidwal.

Wala namang naitalang nasawi sa COVID-19 habang ang bayan lamang ng Sta. Ana at Gattaran ang nakapagtala ng tig-isang kaso.

Patuloy naman ang paalala ng mga health authorities sa publiko na ugaliin pa rin ang pagsunod sa minimum public health standards para maiwasan ang hawaan sa COVID-19.

Facebook Comments