Manila, Philippines – Sinuspinde na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtanggap ng mga bagong application para sa accreditation ng ride-hailing companies.
Base sa inilabas na memorandum ng ahensya, ibibinbin ang mga bagong Transport Network Company (TNC) applications para sa Transport Network Vehicle Service (TNVS).
Ito ay para matutukan ng LTFRB ang mga kasalukuyang accredited TNC at mga sasailalim sa renewal o evaluation.
Matatandaang itinigil ng ride-sharing company na Uber ang operasyon nito sa Southeast Asia at naiwan ang Grab at U-Hop, na dahilan para tumanggap ang LTFRB ng mga bagong players sa TNVS.
Sa ngayon, mayroong anim na bagong accredited TNC na nagbibigay serbisyo sa mga pasahero:
– Hype Transport Systems, Inc.
– Golag Inc.
– Ipara Technologies and Solutions, Inc.
– Owto
– Hirna Mobility Solutions, Inc.
– Micab Systems Corp.
– E-Pick Me Up, Inc.
Samantala, ang mytaxi.ph (ang kumpanya ng Grab) at U-Hop Transportation Network Vehicle System, Inc. ay may nakabinbing petisyon para palawigin ang validity ng kanilang accreditation.
Hindi naman tinanggap ng LTFRB ang application for accreditation ng dalawang TNC na: Out-Of-Town Cars Corporation at Mober Technology PTE, Inc.
Nakabinbin para sa evaluation naman ng pre-accreditation committee ang apat na TNC applicants:
– Ang Citimuber Corp.
– Aztech Solution International Corp.
– Unified Transport Operations League Smesoft, Inc.
– Ihitchonline, Inc.
Ang RYD Global, Inc. ay pending for resolution ng pre-accreditation committee.