Pagtanggap ng mga bagong miyembro, ihihinto na ng PDP Laban

Manila, Philippines – Hanggang katapusan lang ngayong Nobyembre tatanggap ang PDP Laban ng mga bagong miyembro.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel na sya ring pangulo ng partido, layunin nito na magkaroon sila ng sapat na panahon para ma-screen at makapamili ng official candidate para sa may 2019 national and local elections.

Nababahala kasi si Pimentel na may mga “latecomers” o mga nagbabalak na umanib sa kanila na magpapakita lamang kapag malapit na ang eleksyon.


Hindi kumporme si Pimentel na igiit ng mga ito na mapasama sa kanilang line-up kahit wala pa silang nai-aambag para sa kapakanan ng PDP-Laban.

Sa tingin ni Pimentel, sa dami ng tumalon sa kanilang partido nitong nagdaang taon ay may sapat na silang mga pambato sa halalan lalo na sa mga probinsya.

Idinagdag pa ni Pimentel, na ngayon ay nakatutok din ang partido sa pagtuturo at pagpapaunawa sa kanilang mga miyembro ng party ideology at mga programa ng administrasyong duterte.

Diin ni Pimentel, bawat miyembro ng partido ay dapat maging kaisa sa pagbabagong isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte, lalo na ang nais nitong pagpapalit ng porma ng gobyerno patunong federal system.

Facebook Comments