DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Umarangkada na sa pagtanggap ang opisina ng Department of Agrarian Reform Pangasinan sa mga nais maging iskolar sa programang DAR Scholarship Program for Dependents of Agrarian Reform Beneficiaries sa probinsya.
Tanging mga anak ng magsasaka ang magiging kwalipikadong benepisyaryo sa programa kung saan ang kukuning kurso ng mga mag-aaral ay may kinalaman sa apat na taong agricultural-related courses sa state universities at mga colleges.
Sa ilalim ng programang ito, sasagutin ng ahensiya ang lahat ng kailangang bayaran ng mga iskolar gaya nalang ng miscellaneous fees, allowance, buwanang stipend, lodging, transportation at thesis allowance.
Samantala, sakaling matapos ng mag-aaral ang kurso ay kailangang manungkulan ang mga ito sa gobyerno sa loob ng isang taon.