Pagtanggap ng mga sumbong hinggil sa katiwalian sa anumang ahensiya ng gobyerno, sinimulan na ng DOJ

Sinimulan na ng Department of Justice (DOJ) ang pagtanggap ng mga sumbong laban sa mga ahensiya ng gobyerno na dawit o gumagawa ng anumang uri ng katiwalian.

Sa pahayag ni Justice Spokesperson Emmeline Aglipay Villar, maaaring magpadala ang publiko sa kanilang email na dojc@doj.gov.ph para sa anumang sumbong o report ng korapsyon na kinasasangkutan ng anumang sangay ng gobyerno at ng kahit sinumang opisyal ng pamahalaan.

Bukod dito, sinabi pa ni Aglipay na maari rin tumawag sa temporary hotline ng DOJ na 8521-2930.


Sa kabila nito, naki-usap naman si Justice Secretary Menardo Guevarra sa publiko, pati sa mga media na huwag tawaging ‘mega task force’ ang tungkulin ng ahensya na pangunahan ang imbestigasyon sa mga nagaganap na korapsyon sa gobyerno.

Giit ni guevarra, mas maiging tawagin itong “Task Force Against Corruption” dahil mas gugustuhin nila na magtrabaho ng tahimik ngunit epektibo at siguradong magkakaroon ng resulta.

Facebook Comments