Pagtanggap para sa Senior High School Voucher Program, sinimulan na ng DepEd

Image via Department of Education Facebook page

Sinimulan na kahapon ng Department of Education (DepEd) ang pagtanggap ng aplikasyon para sa Senior High School Voucher Program (SHS VP) School Year 2019-2020.

Mababasa sa official Facebook page ng DepEd ang listahan ng mga requirement para sa mga gustong magsumite.

Lahat ng Grade 10 completers mula sa mga pribadong paaralan na walang Education Service Contracting (ESC) grantees at gusto ding magkaroon ng voucher subsidy para makapag-enroll sa non-DepEd SHS ay maaaring mag-apply hanggang Mayo 31 (manual application) at Hunyo 2 (online).


Maaring ipasa ang mga requirements sa pamamagamitan ng e-mail o pagpunta sa opisina ng National Secretariat ng Private Education Assistance Committee (PEAC), 5th floor ng Salamin Building, 197 Salcedo Street, Makati City.

Ang SHS VP ay programang tulong pinansiyal ng pamahalaan sa qualified Grade 10 completers na ituloy ang kanilang nais na SHS education sa mga pribadong pamantasan, state universities and colleges (SUCs), at local universities and colleges (LUCs) na nago-offer ng SHS.

 

Facebook Comments