Pagtanggi ng ilang nominado sa imbitasyon ng 1Sambayan, walang ‘expectations’

Walang ‘expectations’ mula sa mga nominado para magpasya kung tatakbo sa national post sa 2022 elections.

Ito ang sinabi ng opposition coalition 1Sambayan matapos tumanggi ang apat sa kanilang nominado na tanggapin ang alok na sumali sa kanila para sa nalalapit na halalan.

Sina Senator Grace Poe, Atty. Chel Diokno, at Batangas Representative Vilma Santos-Recto ay tumanggi sa imbitasyon dahil sila ay abala sa kanilang mga programa at responsbilidad.


Wala namang planong tumakbo sa mataas na elective post sa susunod na halalan si Bro. Eddie Villanueva, ayon sa kanyang anak na si Senator Joel Villanueva.

Ayon sa 1Sambayan na wala sinuman – maging sa mga napipisil ng administrasyon ang nagdedeklara ng ambisyong tumakbo sa isang public office, kahit ang iba ay mayroon ng ad campaigns.

Bukod kina Poe, Diokno, at Santos-Recto, kabilang din sa mga nominado sina Vice President Leni Robredo at dating Senator Antonio Trillanes IV.

Tumanggi naman sina Senator Nancy Binay, at Manila Mayor Isko Moreno na isama ang kanilang pangalan sa mga nominado.

Pinagbasehan ng 1Sambayan ang character, capability, at track record ng isang ospisyal bago ikonsiderang nominado.

Facebook Comments