Suportado ni Vice President Leni Robredo and desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin ang martial law sa Mindanao.
Ayon kay Robredo, matatag na ang peace and order sa Mindanao at kontrolado na ng pwersa ng AFP at PNP ang sitwasyon doon.
Aniya, mas malaki ang ambag ng private sector sa Mindanao upang lalo pang matatag ang kapayapaan doon.
Una dito, inihayag ni Pangulong Duterte na walang martial law extension na magaganap matapos ang dalawang taon pagpapatupad nito.
Mismong ang security cluster ng Malakanyang ang nagrekomenda sa Pangulo na huwag ng palawigin ang batas militar doon.
Matatandaang noong 2017, unang idineklara ng Pangulo ang batas militar sa buong Mindanao matapos sakupin ng grupong ISIS ang lungsod ng Marawi.
Facebook Comments