Manila, Philippines – Para kay Senate Minority Bloc leader Franklin Drilon, maituturing na criminal neglect ang pagtapyas sa pondo para sa housing ng gobyerno kahit pa umaabot sa 1.2 milyon ang housing backlog sa bansa.
Sa budget debates ay mariing pinalagan ni Drilon ang P4.4 billion pesos na budget na inilaan sa housing para sa taong 2018 na 70-porsyentong mas mababa sa P15.3 billion pesos na pondo nito ngayong taon.
Giit ni Drilon, mahalaga ang papel ng housing sector dahil maliban sa natutugunan nito ang kakulangan sa pabahay ay malaki din ang naitutulong nito sa ekonomiya ng bansa.
Facebook Comments