Iginiit ng Malacañang na pinalalakas nila ang supply ng bigas para maibsan ang epekto ng climate change.
Ito ang depensa ng Palasyo matapos ibaba ni Pangulong Rodrigo Duterte ang taripa sa pag-aangkat ng bigas para sa taong ito
Binigyang diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque, malaki ang magiging epekto ng climate change sa mga palayan.
“Sinisiguro lang natin na sapat ang ating magiging supply ng bigas kasi siguro sa lahat ng ating kinakain, we can afford tayong magkulang sa ilan pero hindi pupuwede sa bigas at nakita naman ninyo na napakatindi nitong panahon ng tag-init na ito so hindi natin alam kung ano epekto dito sa ating na pananim na palay pero im sure may epekto iyan,” sabi ni Roque.
Pagtitiyak din ni Roque na ang isang taong mababang import tariffs sa bigas ay maliit lamang.
“Kung papansin ninyo naman, from 40 naging 35 so maliit lang naman ang taripa na binaba. Hindi ganoon kalaki so ito just to ensure itong adverse consequences ng climate change ay hindi magdudulot ng kakulangan sa supply ng bigas,” sabi ni Roque.
Layunin ng mababang tariff rates sa inaangkat na bigas ay matiyak na mayroong food security at maprotektahan ang mga consumers.