Pagtataas muli ng quarantine classification hindi malabo kasunod nang pagkakaroon ng local transmission ng Delta variant

Inihayag ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na agad silang nagpulong noong Biyernes makaraang makumpirma ang pagkakaroon ng community transmission ng Delta variant sa bansa.

Sa presscon sa Malakanyang sinabi ni Vergeire na kaya nga itinaas sa Enhanced Community Quarantine ang Iloilo City, Iloilo Province, Cagayan de Oro at Gingoog City hanggang Hulyo 31 ay dahil nananatiling mataas ang kaso ng COVID-19 sa mga nabanggit na lugar, nananatiling nasa high risk o critical level ang kanilang hospital care utilzation rate at upang ma-contain o hindi na kumalat pa ang virus sa mga kalapit na lalawigan.

Samantala, dito sa NCR partikular sa Maynila nananatiling manageable ang sitwasyon kung saan ang isa sa mga close contact ng pasyenteng nasawi sa Delta variant ay positibo na ngayon sa COVID-19.


Ani Vergeire mahigpit ang tagubilin nila sa mga Local Government Unit (LGU) na magpatupad ng granular lockdown kung kinakailangan.

Sinabi pa nito na hindi malabong mag-escalate o maghipit ng quarantine classification ang isang lugar sa layuning ma-contain o mapigilan ang pagkalat ng delta variant na itinuturing na highly transmissible.

Nabatid na kung ang UK o Alpha variant ay kayang makapanghawa nang hanggang 3 hanggang 5 indibidwal ang Delta variant ay pwedeng makahawa nang hanggang 8 katao.

Facebook Comments