Wala pang nakikitang sapat na dahilan ang Department of Health (DOH) para itaas ang ipinatutupad na COVID-19 alert system.
Ito ay sa kabila ng dalawang naitalang kaso ng Omicron COVID-19 variant mula sa isang Returning Overseas Filipino at Nigerian national na kasalukuyang naka-quarantine.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, may sinusunod na metrics ang ahensiya kaugnay sa pagbabago ng alert level system sa isang lugar.
Muli namang nanindigan si Vergeire na mahalaga pa rin ang naibibigay na proteksiyon ng mga bakuna kahit na bumababa ang pagiging epektibo nito sa mga bagong variant.
Facebook Comments