Muling iginiit nina presidential candidate at Senator Panfilo “Ping” Lacson at running mate nito na si vice presidential candidate at Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang pagtataas ng fuel subsidies sa mga transport sectors at discount vouchers naman sa agricultural sectors matapos ang sunod-sunod na pagtataas ng presyo ng petrolyo sa merkado.
Ayon kina Lacson at Sotto, nangangamba sila na sa sobra umanong tagal ng pamamahagi ng fuel subsidies sa mga transport at agricultural sector.
Paliwanag nina Lacson at Sotto, na dapat ay matuto na ang gobyerno sa mga nakaraan na palpak na pamamahagi ng ayuda sa Bayanihan 2 kung saan hindi nakarating sa mga tunay na tsuper ang kanilang ayuda at hindi rin naisama sa listahan ang mga tricycle driver na kabilang naman sa transport sector.
Ipinunto pa ni Lacson ang report ng Commission on Audit (COA) na tanging 1% lamang ang nakarating sa mga tunay na benipisyaryo sa Bayanihan 2. Kaya halos namamalimos na noon ang mga driver sa lansangan para lamang makakain ang kanilang pamilya.