Higit 300 laboratoryo sa bansa, tuloy pa rin ang operasyon kahit mababa na ang kaso ng COVID-19

Magpapatuloy ang operasyon ng lahat ng 327 COVID-19 laboratories sa bansa.

Ito ang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III sa gitna ng patuloy na pagbaba na ng mga kaso ng COVID-19.

Sa Laging Handa public press briefing, binigyang diin ni Duque na hindi pa naman tinatanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of public health emergency sa bansa kaya kailangan pa rin ang mga laboratoryo.


Bagama’t bumaba na rin ang numero sa testing, hindi naman nababago ang patakaran para rito na risk based at targeted testing.

Facebook Comments