MANILA – Labag sa batas ang plano ng Malakanyang na taasan ng 1.5 perscent ang premium ng Social Security Systm o hulog ng mga SSS member sa Mayo bilang kapalit ng isanlibong dagdag pension ng mga pensioner.Paglilinaw ni Senate President Pro Tempore Franklin Drilon – hindi masama ang dagdag pension sa mga miyembro nito pero – nakasaad sa republic act 8282 o social security law na bawal magbigay ng increase sa benipisyo na manggagaling naman sa pagtaas ng kontribusyon.Nakasaad anya na maari lamang magbigay ng increase ang SSS kada apat na taon – kapag aprubado ito ng pangulo pero – kailangang matiyak ang katatagan ng reserbang pondo ng ahensya at hindi ang pagtaas ng kontribusyon sa mga miyembro.Paliwanag ni SSS Vice President Marissu Bugante – kasama talaga sa plano nilang reporma sa SSS ang pagtataas ng kontribusyon nagkataon lang na nasabay ito sa isanlibong pisong pension hike.Handa naman ang Makabayan Bloc sa kamara na kwestyunin hanggang Korte Suprema ang napipintong pagtaas ng kontribusyon ng SSS.Giit ni Gabriela Rep. Arlene Brosas – hindi sila magdadalawang isip na kwestyunin ito sa Korte Suprema kapag napatunayang salungat ito sa batas ng ahensya.Sabi naman ni Senador Bam Aquino, chairman ng senate committee on trade and commerce – kailangan ding ipaliwanag nang maayos ng SSS sa mga employer at negosyante at nasabing dagdag-kontribusyon.Sa ngayon – wala pang naitatakdang hatian ng employer at employees sa bagong contribution rate.
Pagtataas Ng Kontribusyon Sa Social Security System Sa Mayo – Kinuwestyon Ng Ilang Mambabatas, Napipintong Pagtataas – I
Facebook Comments