Manila, Philippines – Naniniwala si 1-Ang Edukasyon Partylist Representative Salvador Belaro na mas mapapabilis ang pag-usad ng mga kasong may kinalaman sa financial claims matapos na taasan ang limit sa P400,000 sa mga small claims cases.
Ayon sa mambabatas, mula sa kasalukuyang P300,000 na limit sa mga kaso kaugnay sa financial claims, mas maraming kaso sa Metropolitan Trial Courts ang mapapadali sa pagtataas nito sa P400,000 limit.
Bukod sa bibilis ang takbo ng mga kaso, mas malaking halaga din ang mababawi ng mga nagsampa ng kaso kaugnay sa money claims.
Makakatulong din ito para maitaas ang antas ng bansa pagdating sa ease of doing business report ng World Bank dahil mapapagaan at mapapadali ang pagbawi sa pera mula sa tao o sa negosyo na may pagkakautang o pananagutan.