Manila, Philippines – Dinagdagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang budget ng Pamahalaan ngayong taon para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Ngayong taon kasi ay una nang nakapaglaan ang Pamahalaan ng 5 bilyong piso para sa rehabilitasyon ng lungsod matapos itong masadlak sa kaguluhan nang pasukin ng Maute-Isis terror Group.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, inapruhan na ni Pangulong Duterte ang karagdagang 14.5 billion pesos para sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund.
Ito aniya ay huhugutin mula sa savings ng Department of Public Works and Highways at gagamitin ang nasabing pondo para sa Housing, Health and Social Welfare, Business and Livelihood, Peace and Order, pati na ang information management and Strategic communications Support.
Naglabas narin naman aniya ang DBM ng 3 billion pesos para sa DSWD na gagamitin sa relief operations at 195 million pesos para sa DPWH na gagamitin naman sa quick response, transitional shelter at sa ilang Evacuation Centers sa Marawi City.
Pagtataas ng pondo para sa Marawi rehabilitation, inaprubahan na
Facebook Comments