Pagtataas ng SRP ng mga produktong baboy sa bansa, pinag-aaralan ng DA

Pinag-aaralan ng Department of Agriculture (DA) ang pagtataas ng Suggested Retail Price (SRP) sa mga produktong baboy sa bansa bunsod ng paglaki ng production cost nito.

Ayon kay DA Asec. Noel Reyes, ang 190 pesos kada kilo na SRP ay base sa lumang production cost at farm gate price.

Limitado rin ang suplay ng baboy sa bansa lalo na sa Central Luzon at CALABARZON dahil sa karamihan ng mga baboy ay tinamaan ng African Swine Fever (ASF).


Samantala, aabot sa 240 bilyong piso ang iminungkahing budget ng DA para sa 2021, na gagamitin sa muling pagpapalago ng sektor ng Agrikultura.

Mas mataas ito ng 270 percent ngayong taon na nasa sa 64.7 bilyong piso lang.

Facebook Comments