Ipinasasabatas ni Senator Chiz Escudero ang pagtataas sa kabayaran sa mga naging biktima ng hindi makatwirang pagkakakulong at mga biktima ng karahasan.
Umaasa si Escudero na mamadaliin ng Committees on Justice and Human Rights, Social Justice Welfare, at Finance ang pag-apruba sa Senate Bill 884 kasama ng iba pang kahalintulad na panukala.
Inaamyendahan ng panukalang batas ang Republic Act 7309 na siyang lumikha sa Board of Claims sa ilalim ng Department of Justice (DOJ).
Giit ni Escudero, ang batas ay 31 taon na at ang halaga ng mga kompensasyon na nakasaad sa batas ay hindi na makatarungan para sa mga biktima ng unjust imprisonment at violent crimes sa kasalukuyang panahon.
Layunin ng panukala na mabigyan ng makatwirang kompensasyon ang mga biktima para mabawi ang mga sakripisyong dinanas ng mga naging biktima ng hindi makatarungang pagkakakulong o detensyon.
Kung maisabatas, maaaring makapag-claim ang mga biktima ng hanggang P10,000 kada buwan ng kanilang pagkakabilanggo mula sa kasalukuyang P1,000.
Itinaas din ang maximum amount ng claims na maaaring aprubahan ng board mula sa P10,000 hanggang sa P50,000.