DOH, nakapagtala ng mahigit 12,000 bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na linggo

Mula May 8 hanggang May 14, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 12,414 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw sa nakalipas na linggo ay 1,773.

Ito ay mas mataas ng 31 percent kumpara sa mga kaso noong May 1 hanggang May 7.


Sa mga bagong kaso, 53 sa mga ito ang nasa malubha at kritikal na kalagayan.

Magandang balita naman dahil walang naitalang binawian ng buhay na COVID patients noong May 1 hanggang May 14.

Facebook Comments