Hiniling ni Senator Chiz Escudero ang agad na pagpapatibay sa panukala na naglalayong taasan ang sahod ng nasa 2,000 dentista na nasa pampublikong sektor.
Sa Senate Bill 2082 o Public Dentist Salary Modernization Act ni Escudero, layunin nito na makahiyakat pa ng mga dentista na magtatrabaho sa government service.
Sa panukala ay pinatataasan sa ₱43,030 ang entry level salary ng mga dentista o katumbas ng salary grade 17 mula sa kasalukuyang ₱31,320 o salary grade 13.
Bukod sa Dentist 1 position, itataas din sa ₱57,347 ang sahod ng Dentist II; ₱71,511 sa Dentist III; ₱102,690 sa Dentist IV; ₱131,124 sa Dentist V; ₱167,423 sa Dentist VI at ₱189,199 sa Dentist VII.
Sinabi ni Escudero na isa sa rason kaya bigo ang gobyerno na maka-recruit ng mga dentista ay dahil sa masyadong malayong kita ng mga nasa gobyerno kumpara sa private dental practice.