Pagtatag ng Dept. of Disaster Resilience, pimamadali na

Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatatag ng ahensyang mangangasiwa ng disaster issues sa bansa.

Ito ay ang Department of Disaster Resilience.

Ayon sa Pangulo – ang mga sakuna at kalamidad ay kabilang din sa mga nagdudulot ng kahirapan.


Biro pa ng Pangulo – nais ng Pangulo na tumama ang “The Big One” o 7.2 magnitude na lindol kasabay ng kanyang SONA.

Mainam aniya ito para matapos na ang isyu ng korapsyon.

Matatandaang matagal nang nagbabala ang Phivolcs sa ‘The Big One’ na posibleng tumama sa Metro Manila at kalapit probinsya kapag gumalaw ang West Valley Fault.

Facebook Comments