Sa gitna ng patuloy na pambu-bully ng China sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS), ay isinusulong ngayon sa Kamara ang panukalang pagtatag ng West Philippine Sea Development Authority sa ilalim ng Office of the President.
Nakapaloob ito House Bill 8857, na inihain ni House Committee on Constitutional Amendments Chairman at Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez.
Ayon kay Rodriguez, tutukan ng naturang tanggapan ang development, management, conservation, protection at utilization ng lahat ng resources na sakop ng ating Exclusive Economic Zone (EEZ) sa West Philippine Sea.
Ito ay magkaroon ng pagkakataon ang Pilipinas na paunlarin at gamitin ang revenue-generating potential ng naturang teritoryo, tulad ng pagkakaroon nito ng iba’t ibang produktong isda at pandagat, marine energy exploration development, at coastal marine tourism.
Binanggit ni Rodriguez, na pangunahin ding tungkulin ng West PH Sea Authority ang pag-aaral sa “claims” ng Pilipinas gayundin ang pagbuo ng estratehiya o hakbang sa pagdepensa ng ating teritoryo.