Pagtatagala ni Pangulong Duterte kay General Año sa DILG, pinuri ni Senator Trillanes

Manila, Philippines – Sinuportahan ni Senador Antonio Trillanes ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na italaga bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government o DILG si AFP Chief of Staff General Eduardo Año.

Ayon kay Senador Trillanes, welcome development ang hakbang na ito ni Pangulong Duterte dahil ang mga katulad ni General Año talaga ang kailangan ng bansa ngayon.

Dagdag pa ng senador, hindi matatawaran ang dami ng mga accomplishment ni General Año bilang military officer.


Taglay din umano ni Año ang mga katangian ng isang mahusay na lider na kailangan sa kanyang bagong tungkulin.

Pero hirit ni Trillanes, sana ay hindi ilaglag ng Pangulo si Año sa Commission on Appointments tulad ng ginawa kay dating Department of Environment and Natural Resources Secretary Gina Lopez.

DZXL558

Facebook Comments